Impormatibong Sanaysay
Impormatibong Sanaysay: Neologismo sa Kasalukuyan at Makabagong Panahon Sa araw-araw nating pamumuhay ay hindi mawawaglit sa ating gawain ang ating pagsasalita. Ito ay parte na ng ating buhay na ginagamit natin para sa pakikipagtalastasan. Subalit, ang ilan pala sa mga salita na ating nababanggit ngayon ay maaaring isa pala itong neoligismo. Ang terminong neologism ay nagmula sa wikang griyego. Nangangahulugang ang neo ay “bago” at logos naman ay “salita” (WordSense Online Dictionary 2022, March 26 ). Ang neolohismo ay isang bagong termino, salita, o parirala, na maaaring nasa proseso ng pagpasok sa pangkaraniwang gamit, subalit hindi pa ganap na tanggap sa pang-araw araw na wika (Unyonpedia, 2022,March 26). Ayon sa warbletoncouncil (2022) ang dahilan ng pagkakaroon ng neologismo ay upang maipahayag ang isang bagong konsepto, isa na rito ang mga salitang “ bitcoin”, “pagclick”, “selfie” at “emoji”. Kaya naman a...