Tekstong Prosidyural

  


 

 

Mga Hakbang ng Sampling Acceptance:

 

Unang Hakbang: Kumuha ng sample randomly base sa kung ilang unit (n), ang kukuning sample mula sa isang lot (N).

 

Pangalawang Hakbang: Inspeksiyunin o suriin ang sample kung ito ba ay may depekto o wala.

Pangatlong Hakbang: Pagdesisyunan ito kung “accept lot”, “reject lot” o Kumuha muli ng Sample. Ang accept lot ay ang pagtanggap ng buong lot ng walang kahit ano pa mang mas masusi na inspeksiyon pa na susunod, at ito ay  kung walang nakitang depekto sa mga sample o di kaya nama’y pasok sa pa sa ibinigay na parameter ng “maximum no. of nonconforming units in the sample”, na kung saan ay may naktakdang bilang lamang ng depekto mula sa sample ang tatanggapin. Ito rin ay ang pagbibigay senyales na handa ito para ipadala sa mga konsyumer. Habang ang reject lot naman ay maaaring may depekto ito o hindi gumagana ang isang produkto batay sa dapat nitong gamit. Bukod pa rito kapag ang nakatakdang “maximum no. of nonconforming units in the sample”, ng mga may depektib ay lumagpas, ibig sabihin ang buong lot (N) ay i-rereject.  At ang pagkuha muli ng sample, naman ay kapag ang ispisipikong parameter, hal. sa sample 1 ay hindi lumagpas sa “maximum no. of nonconforming units” ng sample 2, ay maaaring ituloy ang inspeksyon sa sample 2. At saka pag dedesisyunan muli kung accept lot o reject lot”. Muli ang pag accept at pag reject ng lot ay nakabase sa kung anong parameter ang ibinigay sa ating “maximum no. of nonconforming units in the sample”.

Pang-apat na Hakbang: Kung mahantong ang desisyon sa reject lot ay maaari itong ibalik sa supplier o di kaya nama’y magkaroon ng 100% na inspeksyon 

Comments

Popular Posts