Tula: Inang wika
Inang Wika
ni Teodoro E. Gener
Kunin mo ang ibig kunin sa dampa ko,
Palay, bigas, lusong, at halong pambayó,
Kung inaakalang ililigaya mo,
Laban man sa puso’y handog ko sa iyo…
Anak ko ma’y hubdan ng suot na damit,
Sampun ng baro kong lampot at gulanit,
Ibibigay ko rin maluwag sa dibdib,
Kami ma’y lamunin ng init at lamig…
Datapwa’t huwag mong biruin si Ina!
Huwag mong isiping sapagka’t api na,
Ang Ina ko’y iyong masasamantala…
Si Ina ang aking mutyang minamahal,
Si Ina ang tanging buhay ko’t katawan;
Siya, pag kinuha, ikaw’t ako’y… patay!
Batay sa aking nabasang tula ay ganitong klase ng larawan ang nabuo saaking isipan. Sapagkat para saakin ay ipinapakita ng ina ang lubos na pagmamahal niya; Na kunin man ang lahat ng kanilang yaman ay inihahandog nya parin ito kahit sa isang manunupig, nang may kaluwagan sa kanyang puso; kahit na sila’y ma-argabyado. Sa kabilang banda nama’y, nirerepresinta naman ang isang tipikal na kasuotan ng isang mamamayang Pilipino, na kung saan ay tila ba ipinapakita nito na ang kanyang ina ay sumasagisag sa bansang Pilipinas. Na tanging ito na lamang ang kanyang buhay at kaisa-isang minamahal na kung pati ito’y kukunin sa kanya ay ikamamatay niya.
Comments
Post a Comment