Sanaysay: "Ang Kabataan ay Para sa Bayan"

Balangkas

Paksa: Kabataan

Pamagat: Ang Kabataan ay para sa bayan

Tesis na pangungusap: Ang bawat isa satin ay may tungkuling kailangang gampanan. Tayo bilang isang kabataan na inaasahang may kakayanang makapagpabago sa ating lipunang ginagalawan at maging ang kinabukasan ng ating bayan. A. Dalawang uri ng kabataan sa kasalukuyang panahon

a.) Kabataang napariwara at naligaw ng landas.

b.)Kabataang handang tumugon sa kanyang tungkulin.

 

B. Marapat na katangian ng isang kabataan para sa bayan

a.)  Nag-aaral ng mabuti 

b.)  Marunong makialam at may masidhing pagmamahal sa bayan

 

C. Pag-asa ng bayan ang mga kabataan

a.)  Tamang gabay

b.)  Pagpapataas ng moralidad

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Sanaysay: “Ang Kabataan Ay Para Sa Bayan”

         Kabataan ang siyang natatanging pag-asa ng bayan para sa ikauunlad ng ating bayan. Sila ang pinaniniwalaang makakapagbigay ng panibagong pag-asa para sa ating bayan. Sapagkat ang isang kabataan ay punong-puno ng kaalaman, pangarap at dedikasyon. Subalit sa kasalukuyang panahon ay nahahati na sa dalawang uri ang ating mga kabataan. Maraming mga kabataan ngayon ang napariwara’t nalulong sa bisyo. Maagang namulat sa mga iba’t ibang mga bagay. Tila nakakalungkot isipin na halos 200,000 na kabataang Pilipino ang nabubuntis taon-taon at karamihan sa kanila’y edad 15 hanggang 19 taong gulang, ayon sa Population Comission Reports. Karamihan din sa kanila ay puro pagpapapansin at pagpapasikat na lamang sa social media, kahit pa ito ay mga bagay na wala namang katuturan.  

Ngunit sa kabila ng mga naturang negatibong imahe at pagkakalinlan, ay madami parin namang mga kabataan ang kinakikitaan ng potensiyal, nag-aaral ng mabuti para sa magandang kinabukasan at may masidhing pagmamahal sa bayan. Ang mga kabataan ay ang siyang susunod na mamumuno sa ating bansa. Kaya naman napakahalaga ng kanilang partisipasyon at pakikilahok sa usaping isyu sa lipunan, na puno ng sapat na kaalaman, paninindigan at katotohanan. Ang kanilang pakikialam ay nagpapakita lamang ng kanilang pagkamakabayan at pagkakaroon ng pakialam para sa hinaharap, hindi lamang ng ating bansa kung hindi pati narin sa susunod na henerasyon. 

Kaya naman naniniwala akong ang kabataan ang pag-asa ng bayan at ang kabataan ay para sa bayan, kung magagabayan lamang ng tama ang ating mga kabataan; sa pamamagitan ng tamang asal at disiplina. Higit din na dapat pagtuunan ng gobyerno ang pagpapataas ng moralidad ng ating mga kabataan. Hayaan nating pakinggan ang kanilang mga opinyon, suhuwestiyon at saloobin. Sa gayong paraan ay maipapakita natin na mahalaga ang ginagampanang papel ng mga kabataan sa ating lipunan. At kung tutugon lamang ang bawat isa sa kanilang tungkulin bilang isang mamamayanang Pilipino, mapa-kabataan man ito o matanda, paniguradong ang bukas ay magigiging atin. Ikaw, bilang isang kabataan handa ka bang tumugon sa iyong tungkulin sa bayan?

 

Sanggunian:

Katterea Venturanza (Oktubre 19,2019) “Kabataan nga ba ang pag-asa ng bayan?”

Nakuha mula sa: Ang kabataan nga ba ang pag-asa ng bayan? - Every Nation Campus (enc.ph)

Comments

Popular Posts