Pagsasaling Wika

 Mga Kaugnay ng Pag-aaral at Literatura:  

 

E-learning tools have played a crucial role during this pandemic, helping schools and universities facilitate student learning during the closure of universities and schools (Subedi et al., 2020). While adapting to the new changes, staff and student readiness needs to be gauged and supported accordingly. The learners with a fixed mindset find it difficult to adapt and adjust, whereas the learners with a growth mindset quickly adapt to a new learning environment. There is no one-size-fits-all pedagogy for online learning. There are a variety of subjects with varying needs. Different subjects and age groups require different approaches to online learning (Doucet et al., 2020). Online learning also allows physically challenged students with more freedom to participate in learning in the virtual environment, requiring limited movement (Basilaia & Kvavadze, 2020).

 

Filipino Translation:  

Ang mga kagamitang pang ”e-learning” ay may mahalagang papel na ginagampanan ngayong panahon ng pandemya na tumutulong sa mga paaralan at unibersidad upang, mapadali ang pag-aaral ng mga estudyante sa panahong sarado ang mga unibersidad at paaralan (Subedi et al., 2020). Habang nakikibagay sa mga pagbabago, kinakailangang sukatin ang kahandaan ng mga kawani at mag-aaral nang naaayon. Ang mga mag-aaral na may saradong kaisipan ay nahihirapang makiisa at mag-adjust, samantalang ang mga mga mag-aaral na may kaisipang gustong lumago ay mabilis na makiangkop sa makabagong larangan ng pagkatuto. Walang “onesize-fits-all pedagogy”  para sa online na pagkatuto. Mayroong iba’t ibang paksa na may iba’t iba ring pangangailangan. Ang iba’t ibang paksa at pangkat ng edad ay nangangailangan ng iba’t iba ring diskarte sa online na pagkatuto (Doucet et al., 2020). Ang online na pag-aaral ay nagbibigaydaan din sa mga estudyanteng may pisikal na karamdaman na may higit na kalayaang makilahok sa bertwal na pag-aaral, na nangangailangan ng limitadong paggalaw (Basilaia & Kvavadze, 2020).

 

Broadly identified challenges with e-learning are accessibility, affordability, flexibility, learning pedagogy, life-long learning and educational policy (Murgatrotd, 2020). Many countries have substantial issues with a reliable Internet connection and access to digital devices. While, in many developing countries, the economically backward children are unable to afford online learning devices, the online education poses a risk of exposure to increased screen time for the learner. Therefore, it has become essential for students to engage in offline activities and self-exploratory learning. Lack of parental guidance, especially for young learners, is another challenge, as both parents are working. There are practical issues around physical workspaces conducive to different ways of learning.

 

Filipino Translation:

 Ang mga pagsubok na kinakaharap sa “e-learning” ay ang kagamitan, kakayahan na magkaroon ng abot-kayang bagay na pang-akademya, kakayahan na makapag isip ng mga paraan, sining ng pagtuturo, pang habang-buhay na kaalaman, at patakarang pang edukasyon (Murgtrotd, 2020). Maraming bansa ang may mahalagang isyu sa paggamit ng maayos na koneksiyon ng internet at permiso sa mga digital device. Sa kabilang banda, ang mga umaangat na bansa ay mayroong mga bata na walang kakayahang magkaroon ng mga online learning devices, ang online education ay may panganib na dulot sa mga estudyante, lalo na sa matagal na pagkakababad ng mata sa iskrin. Samakatuwid, ito ay naging importante para sa mga estudyante na makilahok sa mga offline na aktibidad at sariling pagkatuto. Ang kakulangan sa pag-gabay ng magulang, lalo na sa mga kabataan, ang isa pang pagsubok para sa kanila, dahil parehong magulang nila ay nagtatrabaho. Mayroong mga praktikal na mga isyu sa ating mga pisikal na workspaces na malaking tulong sa iba’t-ibang paraan para matuto.

 

The innately motivated learners are relatively unaffected in their learning as they need minimum supervision and guidance, while the vulnerable group consisting of students who are weak in learning face difficulties. Some academically competent learners from economically disadvantaged background are unable to access and afford online learning.

 

Filipino Translation:  

Ang likas na motibasyon ng mga mag-aaral ay hindi masyadong naaapektuhan ang kanilang pagkatuto kung napupunan ang pangangailangan nila ng pangangasiwa at paggabay, habang ang pangkat ng mga estudyanteng hindi kagalingan sa akademiko ay humaharap sa kahirapan sa pagkatuto.  Ang ibang mga estudyanteng mahuhusay sa pag-aaral ay walang kakayanang makabili ng gamit para sa online learning dahil sa kahirapan. (Duque)

 

The level of academic performance of the students is likely to drop for the classes held for both year-end examination and internal examination due to reduced contact hour for learners and lack of consultation with teachers when facing difficulties in learning/understanding (Sintema, 2020).

 

Filipino Translation:  

Ang antas ng akademikong pagsasagawa ng mga mag-aaral ay may posibilidad na bumaba lalo na sa mga klase na gaganapin sa taunang tapos ng pagsusulit at panloob na pagsusulit dahil sa pagbawas ng oras ng pakikipag-ugnayan sa mga mag-aaral at kakulangan ng konsultasyon sa mga guro kapag nahaharap sa pagsubok sa pagaaral/pag-unawa (Sintema, 2020).

 

Konklusyon:

Kailangan ang mabusising mga interbensyong patakaran upang mapabuti ang ganitong sitwasyon. Ito din ay dapat pagtuunan ng pansin upang maipatupad ng maayos ang pagtuturo ng mga guro sa makabagong paraan ng pagtuturo sa isang lugar para makagawa ng pagsasaliksik tungkol dito upang malaman ang resulta. Kinakailangan din ng mga makabagong kagamitan at mga mabusising pagsusuri sa mga kinalabasan na resulta sa mga ibang pang lugar. Ang mga abot-kayang halaga para sa lahat ng mga mag-aaral ayon sa estado ng kanilang ekonomiya ay kinakaharap din ngayon bilang isang malaking hamon. Napakahalaga din ng interbensyon na patakaran, ang ibang mga sistema patungkol sa edukasyon sa iba’t-ibang panig ng mundo. Ang makabagong paraan ng pagtuturo ngayon ng mga guro ay isang bagong paraan upang makagamit ng mga gadyets ay isa ding paraan ng paggawa at pagtuklas ng mga ibang pag-aaral. Sa pamamagitan nito at maihahanda na tayo nito sa makabagong paraan ng pagtuturo sa hinaharap.  

 

 

Sanggunian:

 

Sumitra Pokrel, Roshan Chhetri “Pagsusuri ng Panitikan sa Epekto ng Pandemyang COVID-19 sa Pagtuturo at Pagkatuto”  Nakuha mula sa:A Literature Review on Impact of COVID-19 Pandemic on Teaching and Learning - Sumitra Pokhrel, Roshan Chhetri, 2021 (sagepub.com)

 

Comments

Popular Posts