Alegorya sa Yungib ni Plato

 



Bahagi ng akdang binasa

Pinapaksa sa bahagi na napili sa akdang binasa

Kaugnayan ng larawan sa napiling bahagi

 

Ikalawang talata:

 

At nasilayan mo rin

ba  ang mga taong dumadaan sa pagitan ng mga dingding  na  may dala- dalang mga monumento  at larawan ng mga hayop na likha sa kahoy at bato? Ang iba sa kanila ay nagsasalita, ang iba ay tahimik. Naipakita  mo sa akin ang kakaiba nilang imahe. Sila nga ay kakaibang mga bilanggo.

 

Katulad natin, ang tugon ko,        na        ang       tangi nilang  nakikita  ay pawang  sarili nilang mga anino?

 

Totoo, ang sabi niya,

paano nila makikita ang ano man kung hindi sila pinahihintulutang gumalaw maging ang kanilang mga ulo? At may mga bagay na dapat lamang dalhin sa paraang dapat lamang makita ng mga anino? Oo, sabi niya. At kung nakaya nilang hindi sumangayon sa isa’t isa, hindi ba nila ipinalalagay na sila ay tumutukoy ng  kung ano pa man para sa kanila?

 

 

 

 

 

 

Ayon sa aking pagkaka-unawa ang pinapaksa sa bahagi na aking napili ay ang pagkilala sa katotohanan at pagtakwil nang sariling kaalaman, na wala namang basehan o di kaya nama’y maling kaalaman na ating tinataglay.

 

 

Kung ating makikita sa larawan ay may dalawang salita na nasa  labas ng bilog, ang kinasanayan at kinagisnan. Para saakin ang dalawang salitang ito ay pumapatungkol sa kung ano ang ating kinamulatan na gawi, paguugali at isip. Na kung saan ay sa ganitong pamamaraan at prinsipyo ang ating isinasabuhay araw-araw, na siyang nakakaapekto at nagbibigay kontribusiyon sa iba’t ibang salik na ipinapakita sa larawan kagaya ng edukasyon, kapaligiran, pamilya, lipunan, politika, ekonomiya, modernisasyon at globalisasyon.

 

Maaari nating kilalanin ang katotohanan sa pamamagitan ng pagpapahintulot na tignan ang iba pang aspeto at hindi lamang sa kung ano ang alam natin. O di kaya nama’y mamuhay na lamang tayo sa sarili nating anino ng kaalaman at prinsipyo sa buhay.

Comments

Popular Posts