Impormatibong Sanaysay
Impormatibong
Sanaysay: Neologismo sa Kasalukuyan at Makabagong Panahon
Sa araw-araw nating pamumuhay ay hindi mawawaglit sa ating gawain ang ating pagsasalita. Ito ay parte na ng ating buhay na ginagamit natin para sa pakikipagtalastasan. Subalit, ang ilan pala sa mga salita na ating nababanggit ngayon ay maaaring isa pala itong neoligismo. Ang terminong neologism ay nagmula sa wikang griyego. Nangangahulugang ang neo ay “bago” at logos naman ay “salita” (WordSense Online Dictionary 2022, March 26). Ang neolohismo ay isang bagong termino, salita, o parirala, na maaaring nasa proseso ng pagpasok sa pangkaraniwang gamit, subalit hindi pa ganap na tanggap sa pang-araw araw na wika (Unyonpedia, 2022,March 26). Ayon sa warbletoncouncil (2022) ang dahilan ng pagkakaroon ng neologismo ay upang maipahayag ang isang bagong konsepto, isa na rito ang mga salitang “bitcoin”, “pagclick”, “selfie” at “emoji”. Kaya naman ang wika ay may pagkamalikhain, sapagkat sa paglaon ng panahon ay nagkakaroon o nakalilikha ng iba’t ibang mga termino at makabagong salita ang mga tao. Kagaya na lamang nga ng sinabi ni Dr. Tibayan, Kolehiyo ng Sining at Agham (2021) na ang wika ay nagbabago at kagila-gilalas. Bunga ng paglipas ng panahon kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya ang wika, na kung saan ay makikita natin ang pagkakaroon ng iba’t ibang mga termino ng mga salita, mapawikang banyaga man ito o sa sarili nating wika. Partikular na sa henerasyon ngayon na kung saan may mga iba’t ibang nalilikha na mga salita, kagaya ng charot , oyat , kineme , shawty, awit at marami pang iba. Ang mga ito’y isang patunay na ang wika ay nagbabago at kagila-gilalas.
Sa kabilang dako naman na kung
saan ang pagbuo ng mga bagong salita o ang tinatawag na neoligismo ay may iba’t
ibang uri ito at
ilan nga sa mga ito ay ang neologism ng form, mga neologism na semantiko at
functional neologism. Ang neologism ng form ay kung saan nagmula ito sa mga
pagbabagong salita na nasa wika na, hal. Photojournalism,
popemobile. Ang neologism na semantiko naman ay pumapatungkol sa mga
salitang, kahit na bahagi na sila ng isang wika, ay kinukuha sa parehong wika
na may iba pang kahulugan, hal. Search engine, viral. Habang ang functional
neologism ay maituturing na banyagang salita, dahil walang ibang kaparaanan
upang italaga ang isang partikular na bagay o sitwasyon, hal. kilo, fireproof.
(warbletoncouncil,
2022).
Dagdag pa rito’y maihahambing ang neologismo sa
dalawang antas ng wika, ang balbal at kolokyal. Ang balbal ay ang
pinakamababang uri ng wikang ginagamit ng tao, sapagkat ito’y itinuturing na
salitang kalye/kanto, hal. “japorms” na ang ibig-sabihin ay porma o pananamit;
“payatot” galing sa salitang payat (Ki 2020). Ang Kolokyal naman ay ginagamit
na pang araw-araw na mga salita na may kagaspangan at maiuuri rin ito sa
pagpapaikli ng mga salita, hal. “tapsilog” ito ay pinaikling tapa + sinangag +
itlog; aywan = ewan (Monde 2022). Ang dalawang uri ng wika na ito ay pawang
neologismo narin sapagkat, ito ay isang paraan nadin ng paglikha ng mga bagong
salita at term na ginagamit sa pakikipag-usap.
Sa katunayan ay maituturing na may maganda at
mabuting implikasyon ang neologismo sa pormal na edukasyon.
Since
language is basically dynamic, this study has come to conclude that students
must take chances to become more aware with the existence of neologisms to keep
them updated with today's expressions. Moreover, they have to be particular
with the use of classroom code-switching in a way to help them understand the
lessons more but not to the extent that this would be the cause for the
deterioration of their English language proficiency.
Ayon kila (Parmis A. et al., 2020)
ang wika o lengguwahe ay patuloy na nagbabago, kaya bilang pasya sa kanilang
ginawang pag-aaral ay marapat na kunin ng mga mag-aaral ang pagkakataon, na
malaman ang pag-iral ng neolohismo upang maupdate sila sa kasalukuyang mga
ginagamit na expresyon. Bukod pa rito’y sa paggamit nila ng code-switching o ang pagigiging
multi-lingual sa loob ng paaralan ay makakatulong upang mas maunawaan ang mga
aralin, nang hindi nagigiging sanhi ng paghina nila sa wikang ingles.
Introducing
language learners to this area can be a key skill in helping them to become
more autonomous in their language learning process and develop a greater
enjoyment and engagement with the language since neologisms will not only
provide a simple word meaning, but it also will come with a cultural string to
it.
Sa pag siyasat sa mundo ng neolohismo ay makakatulong ito para
sa mga magaaral upang magkaroon sila ng mas matinding pagkakaunawa, sa kung
paano umuunlad at kung bakit patuloy ang pagkakaroon ng mga bagong salita. Ito
rin ay makakatulong sa kanila upang magkaroon ng pagkasarinlan sa kanilang
pagkatuto ng kanilang wika (Acar 2021).
As a
result of the study, first, there was a significant difference in understanding
of new words between the student group with mild intellectual disability and
the general student group of the same age. Second, the correlation between the
use of new words and the popularity of peers was compared for each group of
students with mild intellectual disabilities and a group of general students of
the same age as possible. Therefore, when providing vocabulary instruction for
students with mild intellectual disabilities, it suggests that it is necessary
to teach new vocabulary in order to increase their relationship with their
peers and their popularity.
Ayon naman kila Kim, W. et al. (2022) may
makabuluhang pagkakaiba ang pagkaunawa sa mga bagong salita sa grupo ng mga
estudyanteng may mild intellectual
disabilities, sa grupo ng mga pangkalahatang estudyante na may parehong
edad. Kaya naman, sa pagbibigay ng bokabularyong panuto sa mga may mild intellectual disabilities, ay
importanteng maturuan sila ng mga makabagong bokabularyo upang mas mapataas ang
kanilang pagkakaroon ng magandang relasyon sa kanilang kapwa.
Samakatuwid, ay malaki ang naitutulong at naiaambag ng
neologismo sa kasalukuyan at makabagong panahon. Sapagkat hindi lamang nito
napaparami at napapalago ang mga makabagong termino at salita, kung hindi ay
mas napapagyaman pa ito. Ang implikasyon ng neologismo sa pormal na edukasyon
ay may mabuting naidudulot sa iba’t ibang indibidwal. Maaaring ito’y para sa
pagpapalawak ng kanilang bokabularyo, kasanayan sa paggamit ng kani-kanilang
mga wika at pag-angkop sa mga makabagong salita na nalilikha. Sa gayong paraan
ay napapalawak nito ang kaisipan at kaalaman ng mga mag-aaral.
Sanggunian:
Acar S. (2021) “Using Neologisms: A Way to Teach Vocabulary
and Intercultural Awareness during Online Instruction” Nakuha mula sa: https://waesol.org/wpcontent/uploads/2022/01/Using-Neologisms-A-Way-to-Teach-Vocabulary-andIntercultural-Awareness-during-Online-Instruction-.pdf
Dr. Tibayan C. (2021) Wika Retrieved from: Wika_Pangalawang
bahagi_tri_for uploading.pdf
WordSense Online Dictionary (2022, March 26) neologism: meaning, origin, translation
-
WordSense Dictionary Retrieved date:
March 26, 2022
2:15PM https://www.wordsense.eu/neologism/
Encyclopedia
Titanica (2022, March 30) KAHULUGAN NG HACKER (ANO ITO,
KONSEPTO
AT KAHULUGAN) - TEKNOLOHIYA AT INNOVATION – 2022 Retrieved
date: March 30, 2022 11:44am kahulugan ng
hacker (ano ito, konsepto at kahulugan) - teknolohiya at
innovation - 2022
(encyclopedia-titanica.com)
Unyonpedia
(2022, March 26 ) Neolohismo, the
Glossary Retrieved date: March 26, 2022 2:00 PM https://tl.unionpedia.org/Neolohismo
Monde J. (January 31, 2022)
Antas ng Wika Retrieved from: Antas Ng Wika - Ano Antas Ng Wika At Mga Halimbawa (philnews.ph)
Ki (February 18, 2020)
Halimbawa ng Balbal Retrieved from: Halimbawa Ng Balbal: Mga
Halimbawa Ng Balbal (Filipino Street Slang) (philnews.ph)
Kim,
W., Jin, S., & Lee, J. (January 28, 2022). The Effect Of Neologism Ability
Of
Students
With Mild Intellectual Disabilities On Peer Popularity. Journal of Digital
Convergence, 20(1), 213–220. https://doi.org/10.14400/JDC.2022.20.1.213
Parmis,
A., Rellesiva K.H., & Pada H.A. (2020) “Neologism
Awareness, Classroom
Code-Switching,
And Speaking Proficiency Among Grade 11 Students” Nakuha sa: https://www.journalijdr.com/sites/default/files/issue-pdf/18794.pdf
Roldan M. J. (November 6, 2020)
Ano ang Neologism Retrieved from: Ano ang mga neologism | Mga
Mapagkukunang Tulong sa Sarili (recursosdeautoayuda.com)
Warbletoncouncil
(2022, March 30) Neologism: konsepto, uri at halimbawa - Agham – 2022 Retrived
date: March 30, 2022 11:00 am Neologism: konsepto, uri at
halimbawa -
Agham - 2022 (warbletoncouncil.org)
Comments
Post a Comment