Tekstong Argumentatibo: “Sang-ayon ka ba sa pananakop ng Russia sa Ukraine?”

                                      “Sang-ayon ka ba sa pananakop ng Russia sa Ukraine?”

 

         Ako ay hindi sang-ayon sa pananakop ng Russia sa Ukraine. Sapagkat una, ay napakatindi ng epekto nito sa presyo ng langis. Pangalawa, sa pagtaas ng presyo ng langis ay kasunod nito ang pagtaas pa ng presyo ng mga pangunahing bilihin na kung saan ay ang mga konsyumer ang lubos na naaapektuhan. Pangatlo, hindi lamang ang mga konsyumer ang naapektuhan sa pagtaas ng mga bilihin, kung hindi pati narin ang mga kompanya; na kung saan ay apektado ang mundo ng mga inhinyero sa pananakop ng Russia sa Ukraine, partikular sa mga industrial engineers.

         Sa pagpapatuloy ng nasabing giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine ay napakalaking epekto sa patuloy na paglobo ng presyo ng petrolyo. Sapagkat ayon kay Punongbayan (2022) ang Russia ay isa mga pinakamalaking oil exporters na kung saan ay 4 hanggang 5 milyong bariles kada araw o 8% ng pandaigdigang supply. Bagama’t wika ni Usec. Erguiza (2022) hindi man tayo tuwirang kumukuha ng langis o nag iimport  ng langis mula sa Russia ay ibig-sabihin ay hindi na dapat tumataas ang presyo ng petrolyo sa Pilipinas. Dahil, tayo man ay kumukuha ng langis mula sa ibang bansa, ngunit ang langis na pinagkukunan naman nila ay ang ilang bahagi naman nito ay nagmumula rin sa Russia. Bukod pa rito’y sa pagtaas ng presyo ng langis ay kaakibat din nito ang pagtaas pa ng ibang mga pangunahing bilihin. Ayon kay Minor (2007) laging may epektong domino ang krisis ng pagtaas ng langis. Ganito maipapakita ang pasa-pasang kalagayan ng dagdag na presyo sa petrolyo at mga pangunahing bilihin: sa paglilipatlipat ng anumang produkto mula gulay, bigas, de-lata hanggang kagamitan, gumagamit kadalasan ng mga sasakyang kumokonsumo ng langis para mapatakbo ito at makarating sa destinasyon. Kaya naman dito rin papasok ang pagsubok na kinakaharap ng mga kompanya sapagkat kailangan nilang gumamit ng mga sasakyan para sa transportasyon ng kanilang produkto o serbisyo. Ngunit hindi maaaring basta magtaas ng presyo ang mga kompanya, sapagkat ayon kay Concepcion (2022) ang pagtaas ng mga pangunahing bilihin ay hindi dapat ipasa sa konsyumers, kailangan ding pigain ng mga negosyante ang kanilang mga margins. Sa mundo ng mga inhinyero partikular na sa mga industrial engineers ay isa itong pagsubok sapagkat, isa sa layunin ng isang industrial engineer ay mapababa ang gastos at ma-maximize ang kita ng isang kompanya o manupaktura (Poirer Group, 2021). 

         Kaya naman hindi ako sumasang-ayon sa pananakop ng Russia sa Ukraine dahil sa makatuwid, ang pananakop ng Russia sa Ukraine ay may hindi tuwirang epekto sa ekonomiya at pangkabuhayan ng ating bansa’t mamamayan, sapagkat hindi man ito sa madugong paraan; ngunit hindi natin maiwawaglit na may tinatawag tayong domino effect na kung saan ay ang lahat ng bagay ay naaapektuhan dahil sa isang bagay. Kaya marapat lamang na maipatigil na ang alitan sa pagitan ng Russia at Ukraine, sa pamamagitan ng payapang pag-uusap at kasunduan. Sapagkat hindi lamang ang kanilang mga bansa at mamamayan ang naapektuhan, kung hindi ang buong mundo.

 

Sanggunian: 

JC Punongbayan (March 4, 2022) “Giyera sa Ukraine: Ano ang epekto sa ekonomiya ng Pilipinas”. Nakuha mula sa https://www.rappler.com/voices/thought-leaders/analysisrussia-ukraine-crisis-effects-philippine-economy/

UNTV News and Rescue (February 24, 2022) “Epekto sa Pilipinas ng Russia-Ukarine cirisis” Nakuha mula sa:

https://www.youtube.com/watch?v=kQnJmSbcwoo&ab_channel=UNTVNewsandRescu e

Cesario Minor Jr. (December 1, 2007) “Ang pagtaas ng presyo ng petrolyo at epekto nito” Nakuha mula sa: http://littlegapanese.blogspot.com/2007/12/ang-pagtaas-ng-presyo-ngpetrolyo-at.html

Poirer Group (2021) “Industrial Engineering: The Business of Minimizing Cost”  Nakuha mula          sa          https://www.thepoiriergroup.com/industrial-engineering-the-business-ofminimizing-costs/ 

Comments

Popular Posts