Pagbibigay Interpretasyon sa Grap, Tsart at Iba pang Biswal na Pangtulong

 

“Implikasyon ng Pandemya sa Pang-Akademikong Performans ng mga Mag-aaral”




Talahanayan bilang 1 

 

    Ayon sa nakalap na datos ay ipinapakita sa pie chart na may pantay na bilang ang mga naging kalahok o mga impormants sa ginawang pag-aaral tungkol sa Implikasyon ng Pandemya sa Pang-Akademikong Performans, ang mga napiling mag-aaral ay mayroong bilang na 45 na bilang ng mga babae at lalaki. Ito ay may kabuuang bilang na 90 na mag-aaral na nakilahok sa ginawang pag aaral.  





                                                                   Talahanayan Bilang 2 

 

    Itinatala sa line graph na ito na ang may pinakamataas na porsyento ay ang MAPEH na mayroong 77.788%. Pumapangalawa naman dito ang Edukasyon sa Pagpapakatao na may 74.745%. Habang pumapangatlo naman ang TLE na mayroong 73.245%. Pang-apat naman sa may pinakamataas na porsyento ay ang Araling Panlipunan na may 71.981% at panglima ay ang Filipino na mayroong 70.364%. Habang pumapangatlo naman sa pinakamababa ang Science na mayroong 69.301%.  Pangalawa naman ang Math sa pinakamababa na may 68.543% at ang mayroong pinakamababang porsyento ng pagkatuto ng kalahok / impormants ay sa Disiplinang English na mayroong 67.612%.  







 


Talahanayan bilang 3  

    Makikita sa bar graph ang mga salik na nakakaapekto sa pag-aaral ng mga kalahok o impormants. Batay sa resulta, nangunguna ang kawalan ng internet connection ng mga magaaral na may kabuuang 4.59 mean. Sinundan naman ito ng salik ukol sa kakulangan ng mga impormasyong nakalahad sa modyul na may kabuuang 4.58 mean. Bukod pa roon, ang isa pang dahilan na nakaaapekto sa pag-aaral ng mga kalahok ay ang kakulangan sa gadget/s na binubuo ng 4.57 mean. Samakatuwid, nakakuha naman ng pinakamababang resulta ang salik na pagkakaroon ng malubhang sakit ng mga kalahok na may kabuuang 1.57 mean. Hindi naging madali ang pagbabagong naganap sa larangan ng pagkatuto, kung kaya’t maraming iba’t ibang salik pa ang makikita sa bar graph na nakalahad sa itaas, na lubhang nakaapekto sa pag-aaral ng siyamnapung-kalahok sa pag-aaral na ito. 

 

Konklusiyon 

     Mula sa mga nakuhang datos at resulta sa pag-aaral na ito ay ipinapahayag na karamihan sa mga mag-aaral ay lubos na nakakaapekto sa kanilang pang-akademikong performans, ay ang kawalan at kakulangan ng mga pangunahing mga bagay, na lubos na kinakailangan para sa kanilang pagaaral sa ganitong klaseng sitwasyon dahil sa pandemya. Kakaunti lamang ang nagsasabing ang pagkakaroon ng malubhang sakit ay nakakaapekto sa kanilang pangakademikong performans.  

Comments

Popular Posts